Mahigit 2.6 million pesos na pera ng isang negosyante, isinauli ng Hotel supervisor sa tulong ng kapulisan sa Cagayan de Oro

Mahigit sa 2.6 million pesos na pera ang isinauli kahapon ng hotel supervisor sa tulong ng kapulisan sa Agora sa Cagayan de Oro City.
Ito’y sa pangunguna ni Agora Police Station Commander Police Chief Inspector Allan Curato.
Ayon sa Agora Police, naiwan ng negosyanteng si Alala Saidamen Barambangan taga Bumbaran, Lanao del Norte ang malaking halaga ng pera sa Sogo Hotel sa Barangay Lapasan.
Nakita umano ito ni Sogo Hotel Supervisor Roderick Soddoy sa kwarto ng nasabing hotel at agad na ipinaalam sa Hotel Manager na si Willian A. Velasco.
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments