Mahigit 20-M Pinoy, fully vaccinated na laban sa COVID-19

Umaabot na sa 20,583,580 na mga Pilipino ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine o fully vaccinated na.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa 23,777,705 ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.

Dahil dito, umabot na sa 44,361,285 ang kabuuang bakunang naibigay na ng pamahalaan.


Nasa 427,399 naman ang naitalang nababakunahan sa loob ng isang araw.

Sa Metro Manila, nasa 8,385,077 ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 habang nasa 7,081,010 ang nakatanggap ng unang dose.

Facebook Comments