Mahigit 200 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

70

Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 214 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Dahil dito, umakyat pa sa 3,688,508 ang total COVID-19 cases sa bansa pero bumaba naman sa 2,119 ang aktibong kaso.

Ito na rin ang pinakamababang bilang ng active cases sa bansa ngayong 2022.


Tatlo naman ang nadagdag sa mga nasawi na umabot na sa 60,255.

Habang pumalo na sa 3,625, 934 ang kabuuang gumaling sa nakakahawang sakit.

Facebook Comments