Mahigit 200 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

24

Pumalo na 22,640 na ang kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) matapos madagdagan ng 211.

Sa nasabing bilang, 1,460 ang aktibong kaso habang 139 na mga pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.


Dahil dito, 21,117 na ang total recoveries sa hanay ng PNP.

Umabot naman sa 63 ang mga nasawi sa PNP matapos madagdagan ng isa.

Facebook Comments