Mahigit 2,000 bagong COVID-19 cases sa bansa, naitala ng DOH

49

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng 2,022 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, umakyat na sa 545,300 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


333 ang mga bagong gumaling sa sakit kaya ang total recoveries na ay 500,654.

26 naman ang mga bagong binawian ng buhay kaya umakyat na sa 11,495 ang total deaths.

33,151 naman ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, 100 na mga Pinoy sa abroad ang bagong na-infect ng virus.




65 naman ang bagong gumaling at 1 ang bagong binawian ng buhay.

Bunga nito, ang total COVID-19 cases na sa hanay ng overseas Filipinos ay 14,658.

Ang aktibong kaso ay 4,459 habang ang total recoveries ay 9,220 at ang total deaths ay 979.

Facebook Comments