Saturday, September 12, 2026

Mahigit 2,000 sako o 60,000 kilo ng basura, nahakot sa Manila Bay Dolomite Beach

Nakakolekta ng mahigit 2,000 sako ng basura sa isinagawang Manila Baywalk Dolomite Beach Cleanup ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Metropolitan Environment Office-West, Estero Rangers at iba pang ahensya nitong Biyernes, August 14.

Kabilang sa mga nakolektang basura ay mga damit, tsinelas, plastic materials, wooden debris at iba pang materyales na umabot sa mahigit 2,000 sako o humigit kumulang 60,000 kilo ng mga basura.

Katuwang rin DENR sa operasyon ang Metro Manila Development Authority (MMDA), mga benepisyaryo ng TUPAD at Department of Labor and Employment (DOLE) na nagtulong-tulong para linisin ang artificial white-sand beach ng Manila Bay.

Pinaalalahanan naman ng DENR ang publiko sa pagiging responsable at tamang pag-didispose ng mga basura dahil isa ito sa mga tinuturong dahilan ng pagbara ng mga kanal, estero, ilog at iba pang daluyan ng tubig para maiwasan ang panganib ng pagbaha.

Facebook Comments