Mahigit 2,000 tauhan ng NCRPO, napromote

Manila, Philippines – Pinangunahan ni National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde ang mass oath taking at pinning of ranks ng mahigit sa 2,000 tauhan ng NCRPO na itinaas ang ranggo.

Alas-otso kaninang umaga nang isagawa ang pinning of ranks ng 2,037 newly promoted police commissioned & police non-commissioned officers.

Ito ay bahagi ng regular promotion program ng NCRPO.


Kabilang na dito ang 394 na bagong Police Officer 1 na ginanap sa NCRPO parade ground sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ang nasabing pinning of ranks ay sinaksihan ng lahat ng NCRPO personnel, pamilya, at kaibigan ng newly-promoted police officers.

Facebook Comments