Mahigit 21 milyong piso na halaga ng relief goods, naitulong ng DSWD Region 10 sa mga bakwit mula sa Marawi City

150

Marawi City, Philippines – Mahigit 21 milyong piso na halaga ng mga relief goods ang naitulong ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region Ten.

Ito ay ibinigay sa mga internally displaced persons o mga bakwit na naapektuhan ng bakbakan sa Marawi City.


Napag-alaman na may 33 evacuation centers ang Northern Mindanao kung saan naninirahan ang halos dalawang libong pamilya.

Samantala, halos 20 libong mga pamilya naman na pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kapamilya ang nabigyan ng tulong ng DSWD.
DZXL558

Facebook Comments