Mahigit 223,000 Overseas Filipinos, napauwi ng gobyerno sa gitna ng COVID-19 outbreak

50

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabuuang 223,294 Overseas Filipinos (OFs) na ang napauwi nila mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic.

Sa nasabing bilang, 73,870 (33.08%) ang sea-based habang 149,424 (66.92%) ang land-based.


Pinakamalaking bilang ng repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs) ay mula sa Middle East kung saan malaki ang bilang ng OFWs sa Gitnang Silangan.

Ang ilan naman ay mula sa Asia and the Pacific, Europe at Amerika.

Facebook Comments