Mahigit 24,000 mga alagang hayop, nabakunahan sa Antipolo City

25

Naniniwala ang pamunuan ng Antipolo City na mahalaga na mabakunahan ng anti-rabies ang mga alagang hayop sa lungod.

Sa pag-iikot ng Antipolo City Government Anti- Rabies Team mahigit 24,000 mga alagang hayop ang nabakunahan sa lungsod kahit pa may pandemya.

Hinikayat ng Antipolo City Government ang mga mamamayan na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop pero kailangang sumunod sa mga minimum health protocols ng Inter-Agency Task Force at Department of Health (DOH) tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, pag-sanitize at pag-obserba ng physical distancing.

Facebook Comments