Mahigit 25.7 milyong Pilipino, fully vaccinated na kontra COVID-19

30

Umabot na sa 25,711,980 Pilipino sa bansa ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa 55,715,693 na ang kabuuang bakunang naiturok na sa bansa.

Aabot naman sa 30,003,713 na mga Pilipino ang nabigyan na ng first dose.


Sa Metro Manila, sinabi ni Roque na 17,621,460 doses na ang naituturok kung saan 8,331,665 ang nakakumpleto na ng bakuna habang nasa 9,289,795 ang nabigyan ng first dose.

Ibig sabihin, 85.22 percent ng mga residente sa Metro Manila ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Facebook Comments