MAHIGIT 2M HALAGA NG FULLY GROWN MARIJUANA, PINAGBUBUNOT AT SINIRA NG TROPA NG RMFB1 SA BOUNDARY NG ILOCOS SUR AT BENGUET

19

Nasa mahigit P2-milyong halaga ng fully grown marijuana ang matagumpay na pinagbubunot at sinira ng tropa ng Regional Mobile Force Battalion 1 sa kanilang isinagawang Marijuana Eradication sa boundary ng Brgy Licungan, Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur at sa Sitio Cullang, Brgy Tacadang, Kibungan, Benguet.

Sa impormasyon, nagsagawa ang mga tauhan ng RMFB1 ng minor internal security operation sa nasabing lugar kung saan sa kanilang Intelligence Effort at pagsuyod sa boundary ay natuklasan nila ang limang site ng marijuana plantation.

Agad nakipag-ugnayan ang RMFB1 sa PDEA RO1 kung saan pinagbubunot ng mga otoridad ang tinatayang nasa 6, 600 na puno ng fully grown marijuana, kasunod ng pagsunog sa mga ito upang tuluyang masira at hindi na mapakinabangan pa. | ifmnews

Facebook Comments