MAHIGIT 300 ESTUDYANTE SA MANGALDAN AT KALAPIT BAYAN, DUMALO SA PROYEKTONG LIBRENG COLLEGE ADMISSION EXAM REVIEW AND COACHING

Mahigit 300 estudyante mula sa bayan ng Mangaldan at kalapit na mga bayan at lungsod ang dumalo sa isinagawang College Admission Exam Review and Coaching sa Mangaldan National High School, kamakailan lamang.
Ilan sa mga beterano na may malaking ambag sa medya ang lumahok sa isinagawang proyekto at nagbahagi ng kanilang kaalaman sa mga mag-aaral.
Layunin ng proyekto na makapagbigay ng libreng coaching at reviewers para sa mga estudyanteng kukuha ng iba’t ibang entrance test sa mga pangarap nilang pamantasan o university pagka-graduate nila sa senior high school.

Dagdag pa rito, ipinaalam din sa mga dumalo ang ilan sa mga pamantasan na nagbibigay ng scholarship para sa mga deserving honor students.
Samantala, laking pasasalamat naman ng konsehal ng bayan sa ilang media partners ng nasabing proyekto na kinabibilangan ng IFM Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments