Mahigit 300 nagkasakit ng COVID-19, naidagdag sa Quezon City

25

Nadagdagan ng 332 ang bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19 sa Quezon City.

Batay sa impormasyon na inilabas ng QC Health office, umakyat sa 10,736 ang kumpirmadong COVID-19 cases sa lungsod.


Mula sa naturang bilang, 2,178 ang aktibong kaso ng COVID-19.

May naidagdag na 701 na nakarekober na sa sumatutal ay 8,142 na ang gumaling.

May 16 naman na naidagdag sa bilang ng binawian ng buhay.

Sa ngayon, nasa 416 na ang nasawi.




Facebook Comments