Mahigit 35.5-M manggagawa sa bansa, inaasahang mababakunahan kontra COVID-19 – NEDA

39

Inaasahang aabot sa mahigit 35.5 milyon pang manggagawa ang mababakunahan kontra COVID-19 sa bansa.

Ito’y matapos palawakin pa ng gobyerno ang mga kasama sa A4 vaccination priority group.


Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), sa unang phase ng vaccine deployment para sa A4 group, mababakunahan ang nasa 13milyon pang mga manggagawa sa NCR+ na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Cebu at Davao na kung saan ang mga lugar na ito ay majority ng COVID-19 cases sa bansa.

Nasa 22.5 milyon mga manggagawa naman sa mga lugar sa labas ng NCR+8 ang mababakunahan din.

Matatandaang noong Biyernes ay inilabas ng pamahalaan ang ilang rebisyon sa A1 hanggang A4 priority group.

Pasok na ngayon sa A4 priority list ang private sectors na kailangan ay physically present sa kanilang pinagtatrabahuhan, mga manggagawa sa government agencies kabilang na ang mga nagtratrabaho sa mga GOCCs, informal sector workers, self-employed at mga kasambahay.



Una na rito, ang A4 list ay nakahati sa mga subgroups kung saan kabilang ang mga transportation workers, market vendors, religious leaders, OFWs at iba pa.


Facebook Comments