
Tinatayang 400 survivors sa Cebu at Davao ang nabigyan ng Mental Health and Psychosocial Support o MHPSS matapos ang sunod-sunod na lindol.
Kabilang sa serbisyo ang psychological first aid, psychological processing, at debriefing sessions para agapan ang posibleng pagkakaroon ng Post-Traumatic Stress Disorder o PTSD ng mga survivor.
Kasama rin sa mga tumanggap ng MHPSS ang 190 barangay health workers, 179 na mga nakatatanda, at 20 na mga bata.
Tiniyak naman ng DOH na patuloy na nakahanda ang lahat ng DOH Centers for Health Development, para sa pagbibigay ng MHPSS response, lalo na sa frontline workers na unang rumeresponde sa mga kalamidad.
Facebook Comments









