Mahigit 430 immigration officers sa NAIA, binalasa

23

Mahigit 430 immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ang binalasa ng Bureau of Immigration (BI).

Ang reshuffle ay bahagi pa rin ng hakbang ng BI para maiwasan ang katiwalian sa mga tauhan nila sa Paliparan.


356 frontline immigration officers na naka-assign sa NAIA ang naapektuhan ng terminal rotation scheme epektibo bukas, May 12.

Maging ang terminal assignments ng 79 immigration supervisors ay kasama rin sa reshuffle.

Ang rotation ng terminal assignments ng BI-NAIA personnel ay kada tatlo hanggang apat na buwan.

Facebook Comments