
Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa mahigit pitong kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P47,600,000 mula sa limang drug personalities sa Barangay Tikay, Malolos, Bulacan.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas ‘Joyce’, 46-anyos; alyas ‘Caloy’, 41-anyos; alyas ‘Carl’, 19- anyos; alyas ‘Christy’ 21-anyos; at alyas ‘Ross’, 20-anyos.
Bukod sa hinihinalang shabu, nakumpiska rin ng PDEA ang mga cellphones, buy-bust money, at mga IDs ng mga suspek.
Dahil dito, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 2 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments