Mahigit 5, 000 Katao, Makikiisa Sa Earth Hour Philippines Mamayang Gabi

18

MANILA – Aabot sa 5, 000 katao ang makikiisa sa “Main Switch-Off Event” ng Earth Hour Philippines mamayang gabi sa Quezon City Memorial Circle.Ayon kay Earth Hour Philippines Director Atty. Gia Ibay, magsisimula ang programa alas-7:00 ng gabi, habang mangyayari ang switch off event alas-8:00 hanggang alas-9:30 ng gabi.Highlight ng programa ang pagpapakita ng mga climate change solutions kagaya sa bisikleta, electric vehicles at renewable energy technologies.Ngayong 2016, sampung taon nang inilulunsad ng World Wide Fund for Nature (WWF) ang Earth Hour bilang global environmental campaign.

Facebook Comments