Mahigit 50 OFWs na nag-avail ng Voluntary Repatriation Program ng Israel, dumating na sa bansa

27

Dumating na sa bansa ang 53 Filipinos na sumailalim sa Voluntary Repatriation Program (VRP) ng Population and Immigration Authority (PIBA) ng Israel.

Kabilang sa naturang repatriates ang isang Filipina na may medical case, anim na senior citizens, isang estudyante at isang sanggol.

Sila ay kapwa binigyan ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ng emergency travel document.

Samantala, 36 pang Filipinos na nag-avail ng nasabing VRP ng Israel ang dadating din sa bansa ngayong araw.

Facebook Comments