Mahigit 500, nahuli sa paglabag sa quarantine at iba’t ibang ordinansa sa Navotas

58

Mahigit 500 na indibidwal ang nahuli sa paglabag sa ipinapatupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa buong magdamag.

Batay sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay aabot sa 578 ang mga nahuling lumabag.


Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 309 kung saan 139 ang adult habang 170 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi pagsusuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 213.

Apat naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing habang isa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas, anim ang naninigarilyo habang 41 ang nahuli na lumabag sa iba pang ordinansa.

Facebook Comments