
Nakatanggap ng mga kahon ng Family food packs at P30-K na tulong pinansyal ang isang pamilya sa Barangay Tango, Glan, Sarangi mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa SOCCSKSARGEN.
Kasunod ito ng pagguho ng kanilang bahay matapos ang lindol, kung saan nabagsakan ng pader ang kaniyang asawa at 2 anak.
Samantala, umabot naman na sa mahigit 54-K ang family food packs, mahigit 5-K ready-to-eat food, at mahigit 2-K non-food items na ang naipamahagi ng DSWD sa mga pamilyang apektado ng lindol sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, at SOCCSKSARGEN, base sa pinakahuling datos ng departamento.
Facebook Comments










