Mahigit 6-M doses ng COVID-19 vaccines, sunud-sunod na darating sa bansa ngayong araw hanggang sa Linggo

85

Matutuloy na ngayong araw ang pagdating sa bansa ng 1,014,390 doses ng Pfizer vaccines.

Ang naturang mga bakuna na binili ng pamahalaan ng Pilipinas ay darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bago mag-alas-7:00 mamayang gabi.

Bago mag-alas-11:00 rin mamayang gabi darating ang 400,000 doses ng Sputnik V vaccines na binili rin ng gobyerno lulan ng Qatar Airlines.


Bukas, Oktubre 22, dakong alas-9:35 ng umaga ay darating din sa NAIA 1 ang 698,600 doses ng AstraZeneca na binili ng pribadong sector.

Bago mag-7:00 rin ng gabi bukas darating sa NAIA 3 ang 1,016,730 doses ng Pfizer vaccines na binili ng gobyerno.

Sa darating na Linggo naman, October 24, darating sa NAIA 2 ang 3 million doses ng Sinovac lulan ng Philippine Airlines.



2 million dito ay binili ng Pilipinas habang ang 1 million ay donasyon ng China.

Facebook Comments