
Umabot na sa 63 ang flights na kanselado dahil sa magnitude 7.8 na lindol sa Balut Island sa Sarangani.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, hanggang Huwebes pa ang flight cancellation dahil sa malakas na lindol.
Kahapon nasa 17 flights ng Philippe Airlines, PAL Express at Cebu Pacific na may biyaheng Cebu, General Santos, Angeles City, Iloilo.
Ngayong araw nasa 18 ang apektadong flight mula sa mga naturang airlines at 20 flights naman ang apektado bukas.
Sa Huwebes ay walong flights pa ng PAL at PAL Express ang apektado ng lindol.
Sa ngayon, halos 40 na ang nasawi dahil sa pagtama ng malakas na lindol.
Facebook Comments










