
Umabot na sa 665 mga indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa umiiral na Commission on Elections (COMELEC) gun ban.
Batay sa pinakahuling datos ng PNP, kabilang sa mga nahuli ang mga security guards, sundalo, pulis, foreign nationals, iba’t ibang law enforcement officers at pinaka marami ay mga sibilyan.
Ang mga lumabag sa gun ban ay nahuli sa checkpoint, police operations, gun buybust, anti-illegal drug operation at iba pa.
Nakakumpiska rin ng mga otoridad ng 665 na iba’t ibang uri ng armas tulad ng pistol, revolver, shotgun, riffle, mga pampasabog, at iba pa.
Inaasahang tatagal ang umiiral na gun ban hanggang June 11,2025 bilang paghahanda sa nalalapit na halalan.
Samantala, 1 na ang naitalang Election Related Incident ng PNP mula sa Western Visayas habang apat naman ang naitala bilang suspected Election Related Incidents at 7 ang verified Non-Election Related Incidents.