Mahigit 6,000 bagong COVID-19 recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

28

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 6,383 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

4,487 naman ang bagong kaso habang 110 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,154,388 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay bumaba pa sa 52,291.

Ang kabuuang recoveries naman ay umaabot na sa 1,082,725 habang ang kabuuang bilang ng mga namatay ay 19,372.

Facebook Comments