Mahigit 7.4 milyong pisong halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa Cebu City

46

Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit ₱7.4 milyong halaga ng hinihinalaang shabu sa Cebu City.

Ayon kay PNP Officer-In-Charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr., nangyari ang operasyon ng Cebu City Police Station 1 sa New Imus Road, Sitio Riverside, Barangay Lorega, San Miguel.

Naaresto ng pulisya ang high-value individual na kinilalang si Jonathan Conahap.


Sinabi ni Gen. Danao na ang halaga ng mga nasamsam na iligal na droga ay nagpapakita nang malaking operasyon na isinasagawa sa Cebu City.

Sa ngayon, inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa suspek.

Facebook Comments