Mahigit 7,000 COVID recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

29

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 7,053 na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

5,249 naman ang bagong kaso habang 128 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,364,239 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso ay 55,847 habang ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay 1,284,643.

Ang kabuuang bilang naman ng mga binawian ng buhay ay 23,749.

Facebook Comments