Mahigit 7,000 recoveries sa COVID-19, naitala ng DOH ngayong araw

46

Aabot sa 7,541 ang panibagong gumaling sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, sumampa na sa 1,069,868 ang kabuuang recoveries sa bansa.


Nasa 5,790 bagong kaso naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 1,143,963 ang kabuuang bilang ng kaso sa Pilipinas.

Sumampa naman sa 19,191 ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng 140 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 54,904 na lamang ang total active cases sa bansa.

Samantala, wala namang panibagong ulat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino sa abroad na gumaling sa COVID-19.



Dahil dito, nananatili sa 11,369 ang recoveries sa mga Pinoy sa ibang bansa.


Nasa 18,607 naman ang kabuuang kaso, 1,162 ang bilang ng mga nasawi at 6,076 ang nagpapagaling sa mga Pinoy sa abroad.

Facebook Comments