Mahigit 800 aplikante, dinagsa ang Job fair NG Jobquest Phil at RMN DZXL Radyo Trabaho sa Trinoma Mall Sa QC

58

Dinagsa ng mga job seekers ang unang araw ng job fair ng Jobquest Phil at RMN DZXL Radyo Trabaho.

 

Ayon kay Ayee Rapirap, marketing head ng Morethanjobs.com as of 4pm, umabot na sa mahigit 800 ang aplikante na nagbabakasakaling magkatrabaho.


 

Ani ni Rapirap, ito ang kauna- unahang pagkakataon na maraming kumpanya ang kumasa sa job fair.

 

Nasa 60 kumpanya ang lumahok dito na galing sa iba’t ibang industriya  tulad sa foods, hotels, IT, call center  at iba pa.

 

Payo ni Rapirap, dapat ay agad na sumipot ang mga aplikante kapag tinawagan sa job interview.

 

Lahat kasi ng nag aplay ngayong araw ay kinuhanan muna ng updated resume at saka na tatawagan.

 

Bukas ang huling araw ng Job Fair, bukas ito mula 10 am ng umaga hanggang 5pm.

 

Para sa nga interesado, magdala lamang ng updated Resume.

Facebook Comments

From Advertisers