Mahigit 800 police scalawags, target sibakin sa pwesto ng PNP Counter-Intelligence Task Force

Manila, Philippines – Mahigit 800 police scalawags ang target na alisin ng PNP Counter-Intelligence Task Force (CITF) sa nagpapatuloy na internal cleansing sa hanay ng pulisya.

Ayon kay PNP-CITF Director Sr/Supt. Chiquito Malayo, umaabot na sa 5,000 reklamo laban sa mga tiwaling pulis ang natanggap ng kanilang tanggapan.

Labin-limang pulis naman na ang naaresto kasama ang apat na pulis sa Makati City na sangkot sa pagdukot at robbery extortion sa isang negosyante na hiningan nila ng P400,000.


Kasabay nito, umapela si Malayo sa publiko na agad na ireklamo sa PNP-CITF ang mga tiwaling pulis gamit ang hotline na ‎0995-795-2569 at ‎0999-897-0286.

DZXL558

Facebook Comments