Mahigit 8,000 bagong COVID-19 recoveries, naitala ngayong araw ng DOH

27

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 8,312 na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

4,842 naman ang bagong kaso habang 94 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,118,359 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay 53,214 habang ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay 1,046,431.

Ang kabuuang bilang naman ng mga binawian ng buhay ay 18,714.

Facebook Comments