Mahigit 860,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, dumating sa bansa kagabi

169

Dumating na sa bansa ang aabot sa 866, 970 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno.

Pasado alas-8:00 kagabi ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong lulan ang mga bakuna.

Dahil dito, aabot na sa 110,646,500 doses ng bakuna kontra COVID-19 na ang naipadala sa bansa.


Sa pinakahuling tala ng gobyerno, aabot na sa 37,355,164 indibidwal na o katumbas ng 48.43% ng target population ang nakatanggap ng first dose.

Samantala, aabot naman sa 28,713, 856 o katumbas ng 37.23% ng target population ang fully vaccinated na.

Facebook Comments