Mahigit 90 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Maynila

Siyamnapu’t dalawang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Maynila.

Ayon sa Manila Health Department, bahagya namang bumaba sa 883 ang aktibong kaso sa lungsod .

Ito ay matapos na may 102 na mga bagong gumaling sa virus.


Tatlo naman ang nadagdag sa bilang ng mga namatay sa Maynila dahil sa COVID-19.

Facebook Comments