Mahigit 9,000 aplikante, dumagsa sa kalayaan jobs fair ng DOLE Halos 200, hired-on-the-spot!

16

Umabot sa mahigit 9,000 ang bilang ng mga nag-apply sa 2019 kalayaan job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kasabay ito ng selebarsyon ng Independence Day daw ngayong araw.


Sa datos ng DOLE hanggang kaninang ala una ng hapon, umabot sa 9,658 na mga job applicant ang dumagsa sa jobs fair.

Sa nasabing bilang  8,016 ang nag-apply para sa local na trabaho habang 1,642 sa Overseas o Abroad.

Aabot naman sa 178 aplikante ang hired-on-the-spot.

Nasa 74 na employers ang nakilahok sa jobs fair.

Bukod sa trabaho, nagbigay din ng libreng serbisyo para sa employment documentation ang SSS, BIR, PhilHealth, Pagibig at Philippine Statistics Authority.

Facebook Comments

From Advertisers