Mahigit 9,000 mga Pilipino, nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa COVID-19 ngayong araw

37

Umabot na sa 534,271 ang bilang ng mga Pilipinong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, nadagdagan ng 9,418 ang bilang ng mga gumaling.


Nadagdagan naman ng 2,113 ang bilang ng mga kaso kaya umabot na sa 576,352 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa 12,318 ang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ng 29 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 29,763 na ang total active cases sa bansa.

Facebook Comments