Mahigit 900,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines, dumating na sa bansa

47

Dumating na sa bansa ang mahigit 900,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Dakong alas-6:35 kagabi nang dumating ang 862,290 doses ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City na sinundan naman ng pagdating ng 76,050 sa Cebu.


Parte ang delivery ng 2,290,860 biniling Pfizer COVID-19 vaccines ng gobyerno sa tulong ng Asian Development Bank.

Tiniyak naman ni Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ang pagdating pa ng natitirang bakuna ngayong araw o sa sabado.

Ngayong araw, sisimulan na ang pilot implementation ng pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 sa bansa.

Facebook Comments