Mahigit anim na libong job seekers, hired on the spot sa DOLE job fair kahapon

Manila, Philippines – Umaabot sa mahigit 6,500 na aplikante ang agad na napusuan bilang empleyado ng mga kumpanyang nakilahok sa Trabaho ,Negosyo, Kabuhayan Job business Fair ng Department of Labor Employment .

Sa naturang bilang, nasa 4,085 ang hired on the spot ng mga lokal na kumpanya.

Nasa 2,450 naman na aplikante na para sa overseas ang kinakitaan agad ng kuwalipikasyon sa inaaplayan nilang trabaho.


Umabot naman sa 274 ang nai-reffer sa TESDA, 700 ang nai-reffer sa Dept. of Trade and Industry o DTI.

Pinakamarami naman ang na-hire o nakakuha ng trabaho sa MIMAROPA region at Bicol region..

11.3 percent naman sa mga naging aplikante ang ang nakitang over qualified.

Ang job and business fair ay isinagawa sa Rizal Park kasabay ng mga aktibidad na kaugnay ng 119th Independence Day celebration.

DZXL558

Facebook Comments