Mahigit apatnapu, patay sa banggaan ng tren sa Egypt

19

World – Mahigit apatnapung tao na ang patay , habang 133 naman ang naitalang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang tren sa Alexandria City sa Egypt.
Sa ulat, posibleng railroad switching ang dahilan ng aksidente.
Ayon sa nakaligtas na pasaherong si Moumen Youssef, napakabilis ng pangyayari kung saan nagising na lamang siya na halos lahat ng kapwa niya pasahero ay tumilapon palabas ng tren at pawang mga sugatan ang karamihan sa mga ito.
Sa lakas ng banggaan ng dalawang tren ay tila nag-form ito ng pyramid.
Kaugnay nito nagpa-abot naman ng pakikiramay si President Abdel Fattah Al-Sisi sa mga pamilya ng mga nasawi at iniutos na nito ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring aksidente.

Facebook Comments