Mahigit apatnaraaang libong halaga ng shabu, nakumpiska sa dalawang notoryus na tulak ng droga sa Quezon City

150

Abot sa 408,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska ng  Anti-Narcotics Operatives ng Regional Special Enforcement Team ng PDEA-NCR sa dalawang notoryus na tulak ng droga sa QC

Kinilala ni Atty. George Paul Alcovindas, Officer-In-Charge ng PDEA RO-NCR ang mga arestado na sina Carlo Gerome Manansala, 27 ,at Mandy Marco 34, mga residente ng Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.


Bandang Alas-Otso y medya kagabi, nagkasa ng transaksyon Ang PDEA sa sidewalk parking lot sa West Avenue, Brgy. Paltok, Quezon City.

Nang magpositibo ang transaksyon, dito na dinampot ang dalawang suspek na hindi na nakapalag.

Nabawi sa kanila ang isang piraso ng plastic pack na naglalaman ng shabu na may timbang na 60 grams, isang analog-type cellular phone, at motorsiklo na ginagamit sa transaksyon at ang buy-bust money.

Facebook Comments

From Advertisers