Mahigit dalawang libong benepisaryo, nakatanggap na ng ECQ cash assistance sa Caloocan City

37

Umabot na sa 20,451 ang bilang ng mga benepisyaryo na nakatanggap na ng kanilang cash assistance sa unang dalawang araw ng pamamahagi nito sa Caloocan.

Kasunod nito, iniutos ni Mayor Oca Malapitan na magdagdag pa ng payout sites upang mas mapabilis pa ang pamamahagi ng ayudang mula sa national government.


Sa datos ay nasa 368,925 pamilya ang makakatanggap ng nasabing ayuda.

Ito ay galing sa listahan na mula sa Department of Social Welfare and Development.

Makakatanggap ng P1,000 ang bawat benepisyaryo o hanggang P4,000 kada-pamilya.

Facebook Comments