Mahigit isang ₱1-M halaga ng pinaghihinalaang shabu, nakumpiska ng mga awtoridad sa Pasig City

61

Umabot sa P1,020,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Eastern Police District (EPD) mula sa number 5 Regional High Value Individual na naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Mobina Baluno Unotan, 29 anyos na residente ng Maharlika Village, Taguig City.

Narekober sa suspek ang 19 pirasong plastic sachet katumbas ng 150 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso at 8 pirasong tig-₱1,000 na ginamit bilang buy-bust money.


Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments