MAHIGIT ISANG BUWANG NAANTALANG KLASE, HAHABULIN NG MANGALDAN NHS

Tinatayang 98% na estudyante ng Mangaldan National High School ang muling nagbalik sa kanilang mga silid-aralan ngayong Miyerkules, kasabay ng pagsisimula ng ikalawang termino ng School Year 2026–2027.

Mahigit isang buwan ding naapektuhan ang face-to-face classes dahil sa sunod-sunod na suspensyon dulot ng habagat at pagbaha.

Ngayong balik-normal na ang klase, nakatutok ang pamunuan sa pagbawi sa nawalang learning time at pagkumpleto sa mga kinakailangang aralin sa loob ng school calendar.

Kailangan ding i-adjust ng mga guro ang kanilang lesson schedule upang mahabol ang mga naantalang paksa nang hindi minamadali ang pagkatuto ng mga estudyante.

Para naman sa mga mag-aaral, panibagong adjustment ang pagbabalik sa regular na classroom setup. Tiniyak ng pamunuan na gagwin ang kinakailangang academic adjustments upang makumpleto ang school calendar at maiwasang lumaki ang learning gap bago matapos ang School Year 2026–2027. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments