Mahigit isang daang libong pisong halaga ng shabu, nasamsam ng Manila Police District sa buy-bust operation

45

Arestado ang tatlong drug suspects sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) sa Malate, Manila

Ginawa ng mga pulis ang operasyon sa Quirino Avenue sa Taft Avenue, Malate kung saan naaresto ang mga suspek na sina Melanie Cavia, Ronnel Divina, 32-anyos at Sharon Navarro, 36-anyos, pawang mga residente ng Singalong, Malate


Isang poseur buyer ang nagpanggap na bibili ng shabu sa halagang P500 at dito na tumambad sa mga pulis ang limang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P108,000.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002

Facebook Comments