Mahigit isang linggong state of mourning, idineklara sa Los Baños, Laguna; Labi ng pinaslang na si Mayor Ceasar Perez, nakaburol na

140

Idineklara sa Bayan ng Los Baños ang December 4 hanggang 12 bilang state of mourning kasunod ng pamamaslang kay Mayor Ceasar Perez.

Ginawa ito ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng ipinasang resolusyon sa isang special session.


Nakasaad din sa resolusyon ang panghihikayat sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na gamitin ang buong puwersa ng gobyerno para mapanagot ang responsable sa krimen.

Hinihikayat din ang lahat ng mga opisyal at empleyado ng bayan na magsuot ng itim na armband at ilagay sa half-mast ang mga watawat ng Pilipinas sa mga tanggapan ng gobyerno at mga eskwelahan.

Pansamantala ring sinuspinde ang ordinansa ng bayan para sa lamay ni Mayor Perez na nagtatakda na 48 oras lamang maaring maiburol ang isang nasawi.

Samantala, nakaburol na sa kanilang ancestral house sa Barangay Batong Malaki, Los Baños, Laguna ang mga labi ni Perez.




Tumanggi namang magsalita ang mga kaanak ni Mayor Perez kaugnay sa insidente.

Facebook Comments