Mahigit isang milyong pisong shabu, nasabat sa isang checkpoint sa Taguig, City

124

Nasamsam ang 179.9 grams na shabu o may katumabas na halaga na mahigit 1.2 milyong piso, matapos maharang ang isang motosiklo sa ginagawang checkpoint ng mga pulis sa Taguig City bandang alas-kwatro ng hapon kahapon.

Agad na inaresto ang nagmamaniho ng motorsiklo na si Darwin Gedtal Pinadaliday, 40 years old, tubong Cotabato City, pero kasalukoyang nakatira sa Kenneth Subd. Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.


Maliban sa shabu, nakuha ng mga pulis mula sa suspek ang motorisklo, isang pouch bag at pera na tatlong libong piso.

Ayon kay Police Captain Crisanto Agualin ng Taguig PNP, hindi inaasan ang pagkakahuli nito dahil nagsasagawa lang sila ng checkpoint operation ng mga motorsiklo sa C6 road, Brgy. Hagonoy.

Dinala naman ang narekober na shabu sa Southern Police District o SPD Crime Laboratory para ito ay suruin.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments