Mahigit kalahating milyong piso na halaga ng shabu, nasabat sa Marikina City

27

Umaabot sa P600,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska mula sa dalawang suspek matapos na magsagawa ng buy-bust operation sa Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Johara Camar, 35-anyos, kilala bilang bagong high-value individual; at Anthony Capellan, 36-anyos.


Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Marikina City Police Station Drug Enforcement Unit, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa jogging lane sa Barangay Barangka kung saan nakumpiska sa mga suspek ang isang bulto transparent plastic sachet at dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na lahat ay may lamang pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 100 gramo at nagkakahalaga ng P680,000.

Nakapiit ngayon sa Marikina City Police Station custodial facility, ang mga suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments