MAHIGIT LIMANG DAAN (500) NA TOBACCO FARMERS, NAKATANGGAP NG RICE SUBSIDY

Cauayan City – Naipamahagi na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang buwanang rice subsidy para sa limang daan at pitumput walong (578) magsasaka ng tabako sa City of Ilagan.

Bahagi ito ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura, lalo na sa mga magsasakang umaasa sa pagtatanim ng tabako bilang kanilang pangunahing kabuhayan.

Sa pangunguna nina Governor Rodito T. Albano III at Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III, layunin ng programang ito na matulungan ang mga magsasaka sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.


Bukod sa mga magsasaka ng tabako, patuloy ding mamamahagi ng bigas ang pamahalaang panlalawigan sa iba pang sektor sa mga susunod na araw.

Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaan ang mga magsasaka na makiisa sa iba pang programa na naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura sa lalawigan.

Facebook Comments