
Nasabat ng Quezon City Police ang mahigit P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang magkahiwalay na operasyon.
Narekober sa tulong ng Talipapa Police Station ang 103.58 grams ng shabu at buybust money mula sa dalawang suspek na kinilalang sina alyas ‘Michelle’, 38 taong gulang; at alyas ‘Junel’, 19 na taong gulang.
Samantala, sa operasyon ng Fairview Police Station, nakuha sa suspek na kinilalang si alyas ‘Vlad’ ang nasa 100 grams ng shabu, kalibre .45 na may limang bala, motor, cellphone, at buybust money.
Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act Of 2002 habang kakaharapin din ni alyas ‘Vlad’ ang kasong Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may kaugnayan sa Omnibus Election Code.
Facebook Comments