Mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Marikina City

58

Timbog ang tatlong indibidwal at isang menor de edad na tulak umano ng iligal na droga sa lungsod ng Marikina matapos ikasa ang buy-busy operation laban sa kanila pasado alas-9:30 kagabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Angelica Servillano Balane, alyas ‘Angge’, 32-anyos; Arnulfo Limpiado Butaslac, alyas ‘Aaron’, 37-anyos; Joey Parada Santos, alyas Josephine, 35-anyos at isang 15-anyos na estudyante.


Ikinasa ang operasyon matapos makumpirma ang iligal na transaksyon ng mga suspek sa lugar.

Matapos makumpirma ang mga iligal na transaksyon ng mga suspek kaugnay sa ipinagbabawal na droga sa lungsod.

Nakakulong na ang mga suspek sa Marikina City Police Station Custodial Facility at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments